I'm really proud of this composition because I'm not used to writing compositions in Filipino but I actually got an uno in this. Comments are very much appreciated! :)
Topic: Paskong Pinoy
Kind of Composition: Free-style essay
Koronang Bituin
Nakasisilaw ang liwanag na nagmumula sa tahanang matagal-tagal ko ding hindi nasilayan. Unti-unti na pala akong ginigising mula sa mahabang panahon ng pagtulog ko. Mga pamilyar na mga mukha ng mga bata ang bumungad sa akin. Bakas ang kasiyahan at pananabik sa mga ngiti at ningning ng mga mata nila. Tila ba may espesyal na kaganapan. Ano kaya iyon? Napadako ang aking paningin sa pader kung saan nakasabit ang kalendaryo. Setyembre? Setyembre…Setyembre…Ah! Alam ko na! Ber Months na pala! Maaring sa iba, ay walang itong halaga pero sa pamilyang kinamulatan ko, gaya ng milyong-milyong Pilipino, katumbas na rin ito ng pagsasabing “Pasko na!”.
Kaya pala kakaiba ang liwanag ay dahil hindi ito nagmumula sa ordinaryong bumbilya kundi sa kumukutitap na Christmas Lights. Kaya pala parang medyo sumikip ang bahay ay dahil sa may kalakihang make-shift Bilen na inilagay sa isang sulok. Makulay din ang paligid dahil sa pula, berde, at dilaw na mga dekorasyon na naka-adorno sa pintuan, sa pader at kung saan-saan pa.
“Tay, saan ko po isasabit ‘to?” Bumaling ako sa batang babaeng nagsalita. Kilala ko ang batang ito. Ito si Mellyne, bunsong anak ni Mang Pedro, ang may-ari ng bahay at ang padre de pamilya. Hawak-hawak ni Mellyne ang isang pang-dekorasyong bituin. Noon ko lang napansin na napuno na pala ng dekorasyon na katulad ng mga Christmas Balls ang artipisyal na mga dahon ng katawan ko. Nakangiting binuhat ang batang babae ng lalaking tinawag nitong “Tay”. Ito si Mang Pedro. Tumatawang nilagay ng bata ang bituin sa ulo ko na tila ba isa iyong korona. “Ayan, ang ganda na ng Christmas Tree!” Aba, ang ganda ko raw! Haba ng hair ko! Kung sabagay, taon-taon ko namang naririnig ang papuring kagaya nito magmula ng dinala ako sa pamilyang ito sampung taon na ang nakararaan.
Matuling lumipas ang mga buwan. Hindi nagtagal, bisperas na ng pasko. Tambak na ang mga regalo sa paanan ko at humahalimuyak na ang amoy ng pagkain mula sa kusina. Pansit, Ham, Barbeque, Salad… Nakakatakam! Maaga pa ay hinanda na ang mga ito ni Aling Carmen, ang maybahay ni Mang Pedro. Noong unang taon ko nga sa pamilyang ito, may lechon pang nakahanda kaya lang, ang sabi ni Mang Pedro pahirap na daw ng pahirap ang buhay sa Pilipinas kaya itinigil na iyon. Pero hindi naman mahalaga ang nawala dahil hindi naman iyon naging napakalaking kawalan.
Mula sa videoke na nirentahan pa ni Mang Pedro, umaalingaw-ngaw ang pagbirit ng kapatid ni Tita Fely na kapatid ni Aling Carmen sa tono ng “Last Christmas” ni Taylor Swift. Maya-maya pa ay inagaw iyon ng isa sa pamangkin ni Mang Pedro at bumirit naman ng “Baby” ni Justin Bieber. Humahalo rin ang ingay ng mga naghahabulan at naglalarong mga bata habang nakamasid sa kanila ang mga lolo at lola na aliw na aliw sa kanila. Sino na nga ba dito ang magkakapatid, magpipinsan o magkinakapatid? Ah, hindi ko na alam.
Sa sala, may kumpol din ng mga tito at tita na nagkwekwentuhan. Syempre pa, may payabangan ng mga anak. Kung sinong mas matalino, mas talented, mas cute, mas bibo at kung ano-ano pa. Iyong iba ay may mga props pang litrato o videos mula sa mga DigiCam at touch-screen phones nila.
Nandito rin pala si Anna, kasamahan sa trabaho ni Marie, ang pangalawang anak ni Mang Pedro. Nasa probinsya daw kasi ang mga magulang ni Anna kaya mag-isa ito ngayong pasko. Inaya na ito ni Marie na makisaya sa bahay nila. Maya-maya pa ay kawentuhan na ni Anna ang iba pang myembro ng pamilya. Sa tabi ko naman ay naka-webcam at nakikipag-chat ang kapatid ni Marie na si Mae sa kuya nilang si Mark na ilang taon na ring nurse sa Amerika.
Iba na talaga ang nadudulot ng pasko sa Pinas. Ang estranghero ay nagiging kapamilya, ang magkalayo ay pinaglalapit.
Makalipas ang ilang oras, kalahating minuto na lang bago mag-alas-dose ng madaling araw. 10…9…8…7…6…5…4…3…2…1! Merry Christmas! Nagyakapan at nagbatian ang lahat. Binuksan ang mga regalo. Tuwang-tuwa ang mga batang babae na makatanggap ng Barbie samantalang pinaglalaruan na kaagad ng mga batang lalaki ang mga natanggap na action figures katulad ng Superman at Batman. Para naman sa mga dalaga at binatang naroon ay mga branded na damit at sapatos tulad ng Forever21, Lee at Sketchers ang mga regalo. Mga beauty products tulad ng whitening lotion naman ang para sa mga babaeng ka-edad ni Marie.
Kahit saan ka man lumingon ay tawanan, hagikgikan o ngiti ang makikita mo. Punong-puno ng kasiyahan ang panahong ito. Tila ba walang puwang ang mga salitang “kalungkutan” o “problema”. Siguro pagkatapos ng isang buwan, tsaka na uli iyon maiisip ngunit ngayon, ang lahat ay nasa masayang mundo.
Isa-isa ng nagpaalam ang mga bisita hanggang sa ang naiwan nalang ay ang pamilya ni Mang Pedro. Maya-maya pa ay nagtungo na sila sa simbahan para sa ‘Misa de Gallo’ at doon taimtim na nanalangin. Pagkauwi nila ay sandali nila akong tinitigan, binabalikan ang bawat sandaling lumipas. Pagkatapos ay pumanhik na sila sa kani-kanilang silid, pagod ngunit masaya. Tahimik na ang paligid. Sa pagsapit ng bagong taon ay magkakaroon ng replay ng mga pangyayari, maaaring sabihing extension ito ng pasko. Tiyak na magtatagal ng higit pa sa araw na ito ang mga ngiti sa labi at positibong disposisyon ng pamilyang ito. At ako? Pagkalipas ng isang buwan ay tatanggalin sa katawan ko ang mga dekorasyon. Muli akong hihimlay sa kahon at ang taong nagbukas nito ay siya ring magsasara ng talukap nito. Matutulog akong muli at mananaginip hanggang sa muli kong paggising sa isa na namang mahabang panahon ng Paskong Pinoy. Pero sa ngayon, pagsasawain ko muna ang sarili ko sa ramdam na ramdam na init ng pagmamahal ng mga Pinoy na pumapawi sa lamig ng simoy ng hanging Desyembre.
Maraming nagbago sa taong ito at marami pang pagbabagong magaganap. Ngunit kahit ano pa mang kultura ang maging popular, nanatili parin ang saya ng pasko na maging ako, kahit bilang isang Christmas Tree ay nararamdaman parin iyon. Gaano man tayo maimpluwensyahan ng iba’t-ibang bansa, mananatili parin tayong proudly pinoy.
2010-36750
Kiezzsa Gayle Cruz

0 comments:
Mag-post ng isang Komento