This is my edited composition in Malikhaing Pagsusulat (Creative Writing) under the category "Awit at Korido". I'm proud to say that my professor liked this. I would really appreciate it if you would leave your comments. Thanks!!! :))
Sa ilog na payapa may mapapansin,
hayop na kung tawagin ay isdang lawin.
Mga dumadaan, sila’y napapatingin,
Sapagkat ito'y may kakat'wang gawain.
Ang ating bida'y isda kung tutuusin,
ngunit tubig bihira nitong languyin.
Sa halip, himpapawid gustong liparin,
maging ibong tuwina'y kanyang mithiin.
Mangingisda'y nagpupumilit bingwitin.
sa hapagkainan nais siyang ihain.
Ngunit sa pagtakas ay ubod ng tulin,
tao'y nagawa na lang siyang tanawin.
Lumaki't naging ina ang isdang lawin,
buhay ay nagawa niyang kilalanin.
Sa kanyang anak ay laging binibilin,
at tuwina nama'y binibigyang-diin.
"Anak anong tayog man iyong abutin,
sa lawa ay marapat na bumalik rin.
Ilang beses mo mang patangging sambitin,
buhay nati'y nasa tubig di sa hangin."
0 comments:
Mag-post ng isang Komento