Pages

Lunes, Hulyo 09, 2012

F.O. Idol Poster


Siguro naman naranasan mo ng magkaroon ng kaibigan? Yung hindi fake ha. At excuse me, hindi included sa category na 'to yung seatmate mo na kakilala mo palang 10.5 seconds ago. 'Acquaintance' lang yun, hindi 'friend'. If oo, maiintindihan mo 'tong insanity-disguised-as-a-drabble na 'to. If hindi, well di ko na problema yun.

Anyway, bago pa ako ma-side-track, let's go back sa essential stuff.

Meet Pecto and Totay.

Joke lang, hindi yan ang real name nila.

So meet Kristel and Lyn. (totoo na 'to)

Wala namang masyadong history 'tong dalawang 'to na kailangan pa ng madramang prologue kaya proceed na tayo sa current time.
1pm. Sa loob ng school kung saan makikita ang mamang nakahubad while stargazing. (For those who don't understand, awww kawawa naman kayo)

“Ay may scavenger's hunt kami last time, kasama sa list yung idol poster.” say ni Lyn.
Ang random no? Well, ganyan talaga pag friends, very random.

“O? Sana kumuha ka nalang dun sa musuem ng idol poster a.k.a kwarto namin,” comment ni Kristel.

“Nanalo naman kami kaya okay na,” tanggi ni Lyn.

“Tapos no, pagkuha ni Lyn, biglang, 'Hala Kristel, napunit!'” hirit ng pagkaganda-ganda, brilliant at awesome na bata na itago nalang natin sa pangalang Kiezzsa.

“Hala, F.O. na yun pag ganun. For real,” sabi ni Kristel in all seriousness. Sa sobrang serious, tumatawa na siya.

“Grabe naman, poster lang ba ang halaga ng pagkakaibigan natin?” madramang banat ni Lyn.

“Oo,” mabilis na sagot ni Kristel. No hesitation talaga no?

“...” Speechless si Lyn.

So you see, ang simpleng kababawan ay hindi maalis sa 24 hours ng isang tao. At sa totoo lang, yung mga maliliit na bagay, katulad nyang ballpen na hawak mo, pwede yang mag make or break ng isang relationship. And when I say relationship, hindi lang naman yan romantic relationship (yun agad ang inassume? PBB teens?), pwede rin naman to sa friendship o di kaya sa siblings relationship.

Pero syempre, bilang hindi naman ako ganyan ka-random, hindi nagtatapos ang story dyan. Glimpse lang yan ng buhay ni Pecto at Totay este ni Kristel at Lyn pala.

Alam mo ba kung ano ang sumunod na scene dyan?

Tawanan.

Kasi, kung close talaga kayo, common thing na ang barahan at most probably na-master nyo na ang art of non-sensitivity. Joke lang, kumbaga. Di naman kailangan ma-hurt.

At dito, mga friends, nagtatapos ang random kong kwento. Like I said, friends are very random and we're friends right? Kaya pagbigyan nyo na ako. (O walang aangal) xD

0 comments:

Mag-post ng isang Komento