Pages

Sabado, Marso 17, 2012

NGITI



Ngiti. Sabi sa wikipedia, “A smile is a facial expression formed by flexing the muscles near the end of the mouth. The smile can also be found around the eyes.”

Ngiti. Isang anyo, bikas, hilatsa o hitsura ng mukha ng isang tao na karaniwang ginagawa kapag masaya siya.

May isang beses habang nagffacebook ako, nabasa ko sa wall ng mga kaibigan ko, nagtatanong ng mga “What do you think about me” questions. Sagutan daw at irepost sa wall para makapagcomment din ang mga friends mo. So, dahil wala naman akong ginagawa, sinagutan ko naman. Maraming tanong, pero isa lang ang tumatak sa isip ko.
                --“What color can you associate with me?”

Ang sagot ng mga kaibigan ko, nagf-fall lang sa mga choices na to. A. yellow, b. orange, c.pink o d.basta bright color.

Iba-iba ang explanation nila.

--“Yun ang kasi ang kulay ng damit mo.“

--“Girly kasi.”

Pero siguro ang pinakanagustuhan kong explanation ay, “Yellow, kasi sunshine. Kasi bright. Kasi laging kang naka-smile. You never fail to bring that ray of light.” At wow, nagulat naman ako. At napangiti.

Ngiti. Sabi ni Mother Teresa, “Every time you smile at someone, it is an action of love,
 a gift to that person, a beautiful thing.”

Ngiti. Sabi nila, kapag hindi ka daw ngumiti, ninanakawan mo ang isang tao. Ninanakawan mo ito ng pagkakataong maging masaya. Ninanakawan mo ito ng isang napakagandang bagay.

Pero, actually, dati hindi ako ganito. Nung highschool ako, tamad ako bumangon. Pano ba naman, napaka-routinary ng buhay. At kapag walang pasok, gigising ako ng mga alas diyes ng umaga tapos didiretso sa sala. Hihiga sa sofa. Bubuksan ang TV. Manunuod ng anime. At ganito ako buong araw.

Ganito ako habang lahat ng tao busy sa paglilinis, pagluluto, paglalaro, pakikipagkwentuhan. At dahil nasa sala, dinadaan-daanan lang ako ng mga tao. Pero may isang taong lagi akong pinapansin, ang lolo ko.

               -“Jenny, kakagising mo lang, nakahiga ka nanaman. Kilos-kilos nga.”

                -“Jenny, manunuod ka lang ba ng TV buong araw?”

                -“Jenny, ba’t ka laging nakasimangot? Ngiti naman dyan.”

At sinagot ko yung last question niya. “Ngiti? Bakit ako ngingiti? Anong rason para ngumiti? Kung ganito ang buhay mo, pano ka ngingiti?” Seryoso, sinagot ko ang lolo ko ng ganun.
Kung kilala mo ako ngayon, hindi mo aakalain kung anong klase ng buhay meron ako dati.

Ngiti. Hindi naman lahat ng ngumingiti ay masaya.

Ngiti. Pag minsan ito ang ginagamit para maikubli o maitago ang kalungkutan, ang sakit at ang kakulangan.

Lumaki ako sa isang pamilya, isang kumpletong pamilya. May tatay, may nanay, may dalawang kapatid, may lolo at lola. Hindi man kami ganun kayaman, lahat naman ng kailangan namin ay natutugunan, minsan nga pati yung mga luho lang.
Pero parang may kulang. It’s like I’m living in a house and not a home.

Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Lagi akong nasa honors, may medals, nanalo sa contests, sumasali sa dance troupes, officer sa school... mga bagay na nakakapagpa-proud sa isang magulang. Yun ang buong akala ko.

Kapag birthday ko, binibigay nila lahat ng material things na gusto ko. Bagong damit, bagong sapatos, maraming handa. Pero parang walang care, walang love. Puro material things. Buti pa yung dalawang kapatid ko, kahit walang material things, may love. Well, ganun ang tingin ko.

Nung bata ako, nakita kong naglalaro ang dalawa kong kapatid kasama ang nanay ko.

                -“Sali ako.”

                -“Ay, tapos na. Andyan ka na eh.”

Ouch. Rejection.

Ngiti. Sa labas mukhang okay lang, pero sa loob, tila gumuguho ang lahat.

Ngiti, ngiti.

                Graduation ko ‘non. And the usual me, the usual maarte me, the usual maldita me, kahit graduation, nag-iinarte. At nainis ang tatay ko. Well actually, nagalit siya. At nabitawan niya ang ilang mga salita.

                -“Imbes na maging proud ako sa’yo, hindi.”

Ouch. Rejection ulit. Pero ang masakit, galing sa isang taong malapit sa puso mo.

Pumasa ako ng UP. Kahit papano, masaya naman ako. Dream school ko yata to. Pero I saw it as an escape... an escape from this situation, from this family, an escape from this kind of life.

Ngiti. Expression kapag nakukuha mo ang isang bagay na gusto mo.

Ngiti. Simbolo ng bagong pag-asa, ng bagong simula.

UP. Independence. Liberation. Yes, malayo ako sa aking pamilya. Mag-aaral ako ng mabuti at magpapayaman ng bongga. Tapos hindi ko bibigyan ang parents ko. Seryoso, eto ang mga iniisip ko.

Pero buti na lang.

 Freshie ako nun. Ininvite ako ng friend ko, na nainvite ng isang complete stranger. Life Party/Youth service/Church activity daw. May free food daw. Sabi ko,

                -“Free food? Sus, wag na. Kain na lang tayo sa labas. Church, church..”

Pero tadhana nga naman. Paglabas namin, nandun yung naginvite sa kanila. At sumama sila. Syempre, no choice, sumama na rin ako.

“Hello, welcome to the LIFE PARTY!”

Ngiti.

“Hello, gusto mo ng food, ng drinks?”

Ngiti.

“Hello, nag-eenjoy ka ba? “

Ngiti.

Ngiti, ngiti, ngiti. Diyos ko, bakit lahat sila nakangiti? Nababaliw ba ang mga ‘to? Wala ba silang problema? Yung isa sa kanila, tinawag pa akong “Dimples” dahil may dimples daw ako. Wow, thank you Kuya.

Nagsimula na ang Life Party. As usual, may kantahan/worship sa start. First time ko maka-attend ng ganun. Pero naamaze ako. Ang cool. Ang lively at youthful ng music pero pag tiningnan mo ang lyrics, about God pala. Wow. Nag-enjoy naman ako. Then after, may nagshare ng short Word. Hindi ko na maalala kung ano ang shinare niya, pero ang naalala ko, in the end, chinallenge niya kami.

                -“Gusto mo bang ibigay ang buhay mo kay Jesus? Kilala na naman natin siya, pero minsan religion lang. Ang gusto niya, isang real relationship with Him.”

Hindi ko alam. Come to think of it, I haven’t really surrendered my life to Him. So, try lang, wala namang mawawala. I raised my hand. And then they led me to a simple prayer.

Fulfilling ang experience. Iba ang kasiyahan. Nag-iwan ito ng ngiti sa aking mga labi.

After a month, pumunta ako sa tinatawag nilang Encounter. Isang event that would definitely change your life daw. Walang pumunta ng encounter na hindi nabago ang buhay. So, try lang. Nag-attend ako. Baka dun ko mahanap ang pupuno sa emptiness ko.

Pagdating ko, isa lang nakita ko. Cross. At isang lalaking duguan na nasa Cross. Isang lalaking umiiyak sa Cross. Sabi nila, bawat patak ng dugo niya kapalit ng bawat patak ng luha natin. Sabi nila, inako Niya lahat ng sakit para lang makita tayong nakangiti ulit.

Hindi ko maexplain kung anong nangyari sakin. It was beyond words. Parang na-restart yung buhay ko. Parang lahat ng hurts ko, nawala. Parang nagkaroon ako ng bagong puso. Parang napuno lang ng kasiyahan at pagmamahal yung buhay ko. At dun ko rin natagpuan ang acceptance na hinahanap ko.

 And indeed, my life was never the same.

The Sovereign LORD will wipe away the tears     from all faces;  he will remove his people’s disgrace     from all the earth.              The LORD has spoken. Isaiah 25:8

Ngayon alam ko na kung bakit sila nakangiti... Kasi may rason sila.
At finally, nahanap ko na rin ang rason ko.

Ngiti. Makapangyarihan ang ngiti. Bagamat tumatagal lamang ng ilang saglit, may alaala itong maaaring manatili sayo magpakailanman ... kaya kahit kelan, hindi ko ito ipagkakait.
Try niyo rin. Ngiti.

PS: MY PARENTS ARE GOOD PARENTS, IT'S JUST THAT, I'M A BAD DAUGHTER BACK THEN.HAHA.


NOTE: This is NOT my article. It is made by my dear discipler Jennifer Gayle Flores :)))

0 comments:

Mag-post ng isang Komento